Tuesday, September 29, 2015

TROPANG YOBAB



Nagmula sa iba't ibang sulok ng bansa, ngunit pinagtagpo ng tadhana upang maging isang tropa. Iba't iba man ang pinagmulan, kulay, ugali at size ng katawan, hindi ito naging hadlang upang mabuo ang aming magandang pagkakaibigan. Maingay, makulit at masayahin; iyan ang tropa namin. Kung gaano man kababaw ang kaligayahan ganoon naman kalalim ang pagmamahal namin sa isa't isa.
Isa sa paborito naming tambayan ay ang Alumni Garden; malinis, mahangin at maganda ang kapaligiran, isama mo pa ang store na nasa tabi lamang. Kung kaya't sa tuwing mahaba ang aming vaccant, dito ang aming tambayan. Dito laging good vibes!

Thursday, September 17, 2015

SILID-AKLATAN

 Sabi nga nila, ang silid-aklatan ay ang puso ng isang paaralan. Paano na lamang ang pag-aaral ng mga estudyante kung wala silang makukunan ng mga libro para sa pagpagpapalawak ng kanilang kaalaman. Library? Ito ang tambayan ng mga estudyante kapag mahaba ang bakante nila. Napakalaking tulong ng silid aklatan na ito, nai-upgrade na ang mga library services. Nandiyan ang OPAC at Destiny Quest para sa mabilisang paghahanap ng libro. Napakahusay ng mga librarian at talagang nadiyan sila upang matulungan hindi lang ang mga estudyante pati na rin ang sinumang gagamit nito. Ano pa ang hinihintay niyo? Tara na at buksan ang pahina para sa bagong kaalaman.

CANTEEN :-)


     Pagkain! Pagkain! Pagkain! Tumingin sa likod, sa harap at sa gilid, iyong makikita mga malilinamnam at napakabagong mga pagkain. Pagbungad mo pa lang dito ay iyong matatanaw mga estudyante at mga ibang taong napakasayang kumakain at nakukwentuhan. Kapag narininig na at naramdaman ang pagkulog ng tiyan, ito agad ang takbuhan. Napakaganda ng patakaran dito sa kantinang ito, nandiyan ang "Clean as You Leave". Kaya sa susunod na pumunta kayo dito, hindi lang kayo mabubusog sa pagkain, mabubusog rin kayo sa magandang view na makikita dito.