Tuesday, September 29, 2015

TROPANG YOBAB



Nagmula sa iba't ibang sulok ng bansa, ngunit pinagtagpo ng tadhana upang maging isang tropa. Iba't iba man ang pinagmulan, kulay, ugali at size ng katawan, hindi ito naging hadlang upang mabuo ang aming magandang pagkakaibigan. Maingay, makulit at masayahin; iyan ang tropa namin. Kung gaano man kababaw ang kaligayahan ganoon naman kalalim ang pagmamahal namin sa isa't isa.
Isa sa paborito naming tambayan ay ang Alumni Garden; malinis, mahangin at maganda ang kapaligiran, isama mo pa ang store na nasa tabi lamang. Kung kaya't sa tuwing mahaba ang aming vaccant, dito ang aming tambayan. Dito laging good vibes!

No comments:

Post a Comment