SILID-AKLATAN
Sabi nga nila, ang silid-aklatan ay ang puso ng isang paaralan. Paano na lamang ang pag-aaral ng mga estudyante kung wala silang makukunan ng mga libro para sa pagpagpapalawak ng kanilang kaalaman. Library? Ito ang tambayan ng mga estudyante kapag mahaba ang bakante nila. Napakalaking tulong ng silid aklatan na ito, nai-upgrade na ang mga library services. Nandiyan ang OPAC at Destiny Quest para sa mabilisang paghahanap ng libro. Napakahusay ng mga librarian at talagang nadiyan sila upang matulungan hindi lang ang mga estudyante pati na rin ang sinumang gagamit nito. Ano pa ang hinihintay niyo? Tara na at buksan ang pahina para sa bagong kaalaman.
No comments:
Post a Comment